Need Guidance in Phil Stock Market and Be Blessed? Sign-up now!!!

GodWhispersClub.com52 Healing Habits Program of Bro Bo SanchezJoin the Truly Rich ClubJoin FamilyReborn.com

ShareThis

Bob Ong Quotes



Love Bob Ong Quotes
 
1. Kapag napapatawa ka ng isang tao ng maraming beses, hindi siya mgaling magpatawa, mahal mo lang talaga sya kaya masaya ka. -Bob Ong Quotes 

*****************
2. Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka. -Bob Ong Quotes

*****************
3. Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! 

Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo! -Bob Ong Quotes

*****************
4. Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali, alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila? -Bob Ong Quotes

*****************
5. Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka. -Bob Ong Quotes

*****************
6. Ang tenga kapag pinagdikit, korteng puso. Extension ng puso ang tenga. Kaya kapag marunong kang makinig, marunong kang magmahal. -Bob Ong Quotes

*****************
7. Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo. -Bob Ong Quotes

*****************
8. Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo. -Bob Ong Quotes

*****************
9. Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ang sarili mo kung walang pwesto para sayo, eh meron namang hagdan ayaw mo lang pansinin. -Bob Ong Quotes

*****************
10. Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan. malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya. naunahan ka lang. -Bob Ong Quotes

*****************
11. Hiwalayan na kung di ka na masaya. walang gamot sa tanga kundi pagkukusa. -Bob Ong Quotes

*****************
12. Pag hindi ka mahal ng mahal mo, huwag kang magreklamo. kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka… Kaya quits lang. -Bob Ong Quotes

*****************
13. Kung maghihintay ka ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo. Dapat lumandi ka din. -Bob Ong Quotes

*****************
14. Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..-Bob Ong Quotes

*****************
15. Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon. -Bob Ong Quotes

*****************
16. Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba. -Bob Ong Quotes

*****************
17. Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang. -Bob Ong Quotes

*****************
18. Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na. -Bob Ong Quotes

*****************
19. Mahirap pumapel sa buhay ng tao lalo na kung hindi ikaw ang bida sa script na napili niya. -Bob Ong Quotes


***************** 
Life Bob Ong Quotes

20. Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw.Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures. -Bob Ong Quotes

*****************
21. Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. 

Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo pag nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba’t-ibang paraan. Tanging diploma ay ang alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan. -Bob Ong Quotes

*****************
22. Dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung di mo pagtitiyagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ay wala ng gugustuhing umiwas sa eskwela. -Bob Ong Quotes

*****************
23. Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao. -Bob Ong Quotes

*****************
24. Hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan. -Bob Ong Quotes

*****************
25. Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan. -Bob Ong Quotes

*****************
26. Parang eskwelahan din ang buhay e. Marami kang pag-aaralan, pero hindi naman lahat ‘yon e importante at kailangan mong matutunan. -Bob Ong Quotes

*****************
27. Naniniwala akong walang manunulat na kahit isang beses sa buhay n’ya e hindi nagkasala ng panggagaya. -Bob Ong Quotes

*****************
28. Huwag mong maliitin ang kakayahan mong tsumamba. -Bob Ong Quotes

*****************
29. Kung di mo alam kung sino ka, paano mo maipagmamalaki ang sarili mo? -Bob Ong Quotes

*****************
30. Wag kang matuwa sa mga bagay na nakikita mo sa ngayon. Lahat iyan ay panandalian lamang at anumang sandali ay maaaring mawala. -Bob Ong Quotes

*****************
31. Sa kolehiyo, maraming impluwensiya ang makikita. Masama o mabuti man ito. Wag mo isisi sa thesis partner o sa kaibigan ang lahat kung bakit nasira ang baga mo sa kakayosi, nasira ang atay mo sa kakainom at kung bakit nagkaroon ka agad ng pamilya. Kung talagang matino kang tao, kahit sino pa mang tarantado ang kasama mo ay maitutuwid mo pa rin ang daang tatahakin mo. -Bob Ong Quotes

*****************
32. Wag mawawalan ng gana sa buhay. Kung ano yung galling mo, kulit mo, lakas ng sigaw at tuwa mo sa mga laban ng UAAP, NCAA, mga sports fest o concert ng paborito mong banda, wag mong iwawala hanggang sa pagtanda. Wag kang tutulad sa ilang kongresista na nagre- report sa trabaho para lang matulog. -Bob Ong Quotes

*****************
33. Kung gusto mong maging musikero, sige lang. Pintor, ayos! Inhinyero, the best! Kung gusto mo maging teacher, pilitin mong maging teacher na hindi makakalimutan ng estudyante mo. Kung gusto mong maging sapatero, maging pinakamahusay kang sapatero.

Kung gusto mong maging karpintero, maging pinakamagaling kang karpintero. Kung gusto mong maging tindero ng balut, wag kang dadaan sa harap ng bahay naming para mambulahaw sa gabi kung ayaw mong masaktan! -Bob Ong Quotes

*****************
34. Hindi ako naniniwalang kailangan ng tao mangarap dahil gusto nya ng pera o gusto nyang sumikat o gusto nya ng impluwensya. Side effects na lang ang mga ‘to, tingin ko. 

Nangangarap ang tao dahil binigyan sya ng Diyos ng kakayahang mangarao at tumupad nito. Tungkulin nyang pagbutihin ang pagkatao nya at mag –ambag ng tulong sa mundo. At wala na siyang iba pang magagawang mas malaking kasalanan bukod sa talikuran ang tungkuling iyon at hindi bumili ng libro ko. -Bob Ong Quotes

*****************
35. Pero tanging ang utak lang ng tao- sa buong kalawakan- ang natatanging bagay na nagpipilit umintindi sa sarili niya. -Bob Ong Quotes

*****************
36. Kahit kelan walang maling desisyon, nagiging mali lamang ito kapag hindi napapanindigan. -Bob Ong Quotes

*****************
37. Minsan, kailangang ituro ng mundo sa’yo ang tama sa paraang masasaktan ka para matandaan mo. -Bob Ong Quotes

*****************
38. Kung wala kang alam sa buhay ng dalawang tao o kahit pa man ay alam ka sa isa sa kanila, wala ka pa rin sa tamang lugar para lagyan ng kahulugan ang mga kilos nila. -Bob Ong Quotes

*****************
39. Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!). -Bob Ong Quotes

*****************
40. Minsan kelangan mo ng lakas para sabihing mahina ka. -Bob Ong Quotes

*****************
41. …ayokong sabihing susubok naman ako ng iba. Walang “iba”. Wala akong iiwan, meron lang babalikan. Kung meron mang iba sa ginawa ko, yun ay ang Bobong Pinoy. Kung may magsasabi man sa hinaharap na: “Sana nagpatawa ka na lang!” 

Yun ay opinyong handa kong tanggapin. Marami ang kaya at pwedeng gumawa ng mga isinusulat ko ngayon para sa mga mambabasa, pero ang gusto kong isulat at gawin para sa sarili, walang pwedeng tumupad kundi ako. Inumpisahan ko ang dialogue sa ikatlong libro para ipakilala sa mambabasa ang fiction.

Umatras pa ‘ko ng bahagya sa ikaapat para mas maging kumportable sila dito. Sa mga susunod pa, pwede na siguro ako magtangka ng maikling kwento o nobela. Tulad ng pagsusulat ko, ayoko rin kasi malimitahan ang pagbabasa ng mga tao sa iisang klase ng libro… -Bob Ong Quotes

*****************
42. Sa mga taong di nagpaparamdam sa kanilang mga kaibigan e mabuting patayin nalang namin kayo para magparamdam kayo. -Bob Ong Quotes

*****************
43. Parang eskwelahan din ang buhay e. Marami kang pag-aaralan, pero hindi naman lahat ‘yon e importante at kailangan mong matutunan. -Bob Ong Quotes

*****************
44. Tipong pag sinabihan ka ng sorry, pwedeng sumama pa ang loob mo. Pero pag sinabihan ka na ng SUPER SORRY, naku - bawal na magtampo! Kasi super na yan. -Bob Ong Quotes

*****************
45. Makakapagbago ka lang kung kaya mo nang aminin na hindi mo mapagkakatiwalaan ang sarili mong pag-iisip, dahil ito rin ang nagtutulak sa ‘yo sa bisyo. -Bob Ong Quotes

*****************
46. Hell ang high school. Cool.

*****************
47. Pag binisita ka ng idea, gana, o inspirasyon, kailangan mong itigil LAHAT ng ginagawa mo para lang di masayang ang pagkakataon. -Bob Ong Quotes

*****************
48. Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko. -Bob Ong Quotes

*****************
49. Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras. -Bob Ong Quotes

*****************
50. Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko. -Bob Ong Quotes

*****************
51. Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan. -Bob Ong Quotes

*****************
52. Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa. -Bob Ong Quotes

*****************
53. Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala

*****************
54. Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay un, dapat matagal na kong patay. -Bob Ong Quotes

*****************
55. Kung paniniwalaan namin kayo na hindi naglaro ng tubig kahit na basa ang damit n’yo, kayo ang niloloko namin; Hindi kayo ang nakapanloloko. -Bob Ong Quotes

*****************
56. Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. -Bob Ong Quotes

*****************
57. Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili. -Bob Ong Quotes

*****************
58. Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa’yo.

Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson? -Bob Ong Quotes

*****************
59. Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras. -Bob Ong Quotes

*****************
60. Ayokong nasasanay sa mga bagay na pede namang mawala sa buhay ko. -Bob Ong Quotes

*****************
61. Walang taong panget. Nagkataon lang na yung mukha nila hindi uso at hindi in. -Bob Ong Quotes

*****************
62. Karapatan kong madapa at bumangon sa buhay nang walang tatawa, magagalit, magtatanong, o magbibilang kung ilang beses na ‘kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi. -Bob Ong Quotes

*****************
63. Ganyan talaga ang mga tao, pipihit-pihitin ang katotohanan hanggang sa sumang-ayon na ito sa kumportableng posisyon ng mga makasarili nilang puso. -Bob Ong Quotes

*****************
64. Ang liit at laki ay nasa isip lang. Bakit kami nina Bubuyog at Gagamba, may naipundar din kami kahit papano. Nasa pagsisikap lang ‘yan ng tao! -Bob Ong Quotes

*****************
65. Hinahanap mo nga ba ako… o ang kawalan ko? Mas madaling makita ang wala. -Bob Ong Quotes

*****************
66. Natawa ka man o nandiri sa pagkaing may kakaibang pangalan, isang patunay lang yan na apektado ka ng salita. -Bob Ong Quotes

*****************
67. Tama na sigurong malaman namin na lumalakad ang mga kamay ng relo at tumatakbo ang panahon. -Bob Ong Quotes

*****************
68. ...na mas marami pa s’yang alam kesa sa nakasulat sa transcript of records n’ya, mas marami pa s’yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n’ya at mas mataas ang halaga n’ya kesa sa nakasulat sa payslip n’ya tuwing sweldo. -Bob Ong Quotes

*****************
69. ritual ‘yon, tradisyon, sakramentong hinihingi ng lipunan para magkatrabaho ka at kumita ng disente. At oo, para na rin respetuhin ka ng ibang tao. -Bob Ong Quotes

*****************
70. Paano ko sila pasasalamatan kung ngayon ko lang naintindihan ang mga itinuro nila? -Bob Ong Quotes

*****************
71. Pero mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala. -Bob Ong Quotes

*****************
72. Paggawa na ba ng mabuti ang hindi paggawa ng kasamaan? -Bob Ong Quotes

*****************
73. Wala kang ibang paghuhugutan ng sipag, tiyaga, at determinasyon kundi sarili mo. -Bob Ong Quotes


Need Guidance in Phil Stock Market and Be Blessed? Sign-up now!!!

GodWhispersClub.com52 Healing Habits Program of Bro Bo SanchezJoin the Truly Rich ClubJoin FamilyReborn.com

Linkwithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...